"Kaibigan"
Naglalakad mag-isa, nag-iisip-isip
Hanggang makita kita at masulyapan mo ako
Nagkatinginan at nagkangitian
At nilagpasan ang isa't isa.
Bakit ganon?
Isang sulyap mo lang nakaramdam na agad ako ng saya.
Isang ngiti mo lang tila ako'y nakalutang na sa langit.
Nakakabighani ang buo mong pagkatao.
At ito na nga
Nakaka-usap, nakakabiruan, at nakakalaro na kita.
Hindi ko akalain na makakasama pa kita sa mga lakaran.
Kakaibang saya ang naidulot mo sa'kin na parang ayaw kong matapos pa.
Ang dati kong mababaw na pagtingin ay lumalim
At mas lumalim at pinalalim pa.
Pati sa aking panaginip ay ayaw kang pakawalan.
Iba na to.
Pero dapat hanggang maaga ay mapigilan ko ang aking sarili
Dahil alam kong may minamahal ka ngayon.
May nagpapasaya at nagpapatawa sayo.
Ililihim ko na lang talaga lahat ng meron ako sayo
Wala naman kasing mangyayari kung sasabihin ko pa.
Magkaibigan tayo. Magkaibigan lang tayo.
Kaya ipagwawalang-bahala ko na lang ito
Hindi ko sasabihin, dahil pag inamin ko
alam kong lalayo ka.
"Ang kalapitan mo ang magpapasaya sa aking mundo."
12/26/15
"Dulo"

Sa loob ng maikli at madaling panahon
Nakagawa tayo ng maraming ala-ala.
Mga ala-alang kay sarap dalhin kahit gaano ka na kalayo.
Ngunit ito pa lang mga masasayang ala-ala'y magdadala rin ng pasakit.
Tila narating na natin ang dulo.
Dulo kung saan ang tawag ng nakararami ay wakas.
Dulo kung saan natatapos ang lahat.
Dulo kung saan pareho tayong sugatan,
Pareho tayong durog, umiiyak at wasak.
Nasa isang tabi ka lang nakatulala. Walang imik.
Ang tangi lang kasama ay ang mga luha galing sa malamyang mga mata.
Ni hindi nakita na kumislap ang mga ito mula ng narating natin ang dulo.
Mahirap, mahirap tanggapin na tapos na.
Tapos na tayo. Wala na tayong dalawa.
Wala akong magawa ng matapos ang lahat.
Masakit ngunit kailangang tanggapin na ika'y hindi na akin.
Hindi ko kayang limutin kita.
Pero kung ipagpipilitan ko pa ang lahat sa atin ay sa huli ako pa rin ang talo.
Iniisip kong hindi na kita mahal.
Pero ang sinisigaw nitong hangal kong puso ay
"Mahal pa rin kita."
12/23/15
12/23/15
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento